Pagpapahusay ng Kasanayan sa Pagsulat ng Sanaysay ng mga Mag-Aaral sa Baitang 6 sa Pamamagitan ng Digitized Material sa Pagtuturo
Sa makabagong panahon, lubos ang pagkakilala ng mga mag-aaral sa mga teknolohiya gaya ng selpon, kompyuter at laptop na madalas gamitin ng maraming kabataan ngayon. Kumpara sa mga nagdaang panahon, naging mas mahusay at mas aktibo ang mga mag-aaral kung gumagamit ng tekno- lohiya. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito ay bumuo ang mananaliksik ng isang digitized material na magagamit sa pagtuturo upang mapahusay ang kasanayan sa pagsulat ng sanaysay ng mga mag-aaral sa Baitang 6. Ang materyal na ito ay angkop ant kapaki-pakinabang sa loob at labas ng paaralan, o sa panahong kakailanganing magsuspinde ng klase sa paaralan sa iba’t-ibang kadahilanan. Ang pag-aaral ay gumamit ng kwantitatibo-deskriptibong disenyo ng pananaliksik, partikular ang Design and Development Research (DDR) Type I sa pagbuo ng materyal sa pagtuturo. Ang mga kalahok ay pinili gamit ang “Total Enumeration” na binubuo ng 182 na mga mag-aaral mula sa Baitang 6, at 15 mga guro na sumagot sa pagsusuri ng pangangailangan upang maging batayan sa binuong digitized material. Ang materyal na ito ay sinuri ng mga eksperto gamit ang isang validation tool upang makita ang pagiging katanggap-tanggap sa mga mag-aaral ng Baitang 6 at ng kanilang mga guro sa Filipino matapos gamitin ang materyal. Lumabas sa mga ebalwasyon at datos na ang materyal ay naging lubos na katanggap-tanggap at may mataas na pagkilala matapos gamitin ng mga mag-aaral at guro. Sa kabuuan, ang digitized material, ay isang mahusay at kapaki-pakinabang na kagamitang panturo na maaring gamitin ng mga mag-aaral at guro sa kasalukuyang panahon.
Authors
- Angelie Cadiz
Institutions
- University of Perpetual Help System DALTA (PH)
Publication Details
- Journal
- Zenodo (CERN European Organization for Nuclear Research)
- Published
- 2026-10-31
- DOI
- https://doi.org/10.5281/zenodo.23828780
- Primary Topic
- Writing and Handwriting Education
- Type
- article
- Field-Weighted Citation Impact
- 0.00