Ang mga Tinig sa Herbal Lane Tungo sa Paglalang ng Quiapook: Pagbalangkas sa Karanasan ng Herbal Medicine Vendors sa Quiapo, Maynila

Nananatiling limitado ang sistematikong pag-aaral tungkol sa herbal medicine vendors sa modernong panahon bagaman nananahan na ang mahabang kasaysayan ng tradisyonal na panggagamot sa bansa. Sa Quiapo, madidinig ang taal na mga karanasan ng vendors na matagal nang bumubuhay sa herbal lane ng lugar. Upang maumpisahan ang pagbabalangkas sa mga natatanging karanasang ito, sumanding ang pag-aaral sa deskriptibong penomenolohiya, alinsunod sa Collaizzi’s Method at konseptong Quiapook, na kumikilala sa sistematikong pagpopook ng mga danas sa Quiapo. Gamit ang semi-structured interview sa limang piling vendors, sumuong sa proseso ng pagbaklas (bracketing), pagiging bukas (intuition), pagsusuri (investigate), at paglantad (descriptive) ang pag-aaral. Humantong ito sa isang tematikong mapa na nagbubuklod sa mga pangunahing temang kinakatawan ng: mga panlipunang puwersa na nagbibigay-saysay sa pagtitinda, mga pananaw na pumapanday sa karanasan, pakikipagdiskurso bilang diskarte sa pagtitinda, at pagmemerkado ng kagamutang herbal sa modernong panahon. Mula rito, tunay na may malalim nang kaugnayan ang mga karanasan ng vendors sa komunidad at identidad ng Quiapo bilang sentro ng herbal medicine. Makabuluhan ang kanilang papel sa pagpapalalim ng diskurso sa herbal at pagtitinda nito bilang kultural na industriya at kabuhayan sa naturang lugar. Ang pagpapalawak pa ng akademikong diskurso sa pagtitinda ng herbal medicine ay iminumungkahi sa pamamagitan ng paggamit ng iba pang metodo o pagtuon sa tiyak na salik, gaya ng relihiyon at pananampalataya, sa mga naisalaysay nang karanasan. Natagpuan din ang sumusulong na diskurso ng Quiapook na nagpapatunay na may masaganang batis ng karanasan ng iba’t ibang pangkat ng indibidwal sa Quiapo, at bukas itong madadalumat ng mga susunod pang pag-aaral.

Authors

Institutions

Publication Details

Journal
Sinaya A Philippine Journal for Senior High School Teachers and Students
Published
2025-12-31
DOI
https://doi.org/10.59588/3027-9283.1260
Primary Topic
Philippine History and Culture
Type
article
Field-Weighted Citation Impact
0.00
Controls
|||
ALL TIME
JAN
FEB
MAR
APR
MAY
JUN
JUL
AUG
SEP
OCT
article

Ang mga Tinig sa Herbal Lane Tungo sa Paglalang ng Quiapook: Pagbalangkas sa Karanasan ng Herbal Medicine Vendors sa Quiapo, Maynila

Jamie Kelly S Izon, Lorraine Antonette A Bonifacio, Stephanie Lois E Prats, Ma. Jayanne C Mapugay
Sinaya A Philippine Journal for Senior High School Teachers and Students
Philippine History and Culture
article

Ang mga Tinig sa Herbal Lane Tungo sa Paglalang ng Quiapook: Pagbalangkas sa Karanasan ng Herbal Medicine Vendors sa Quiapo, Maynila

Jamie Kelly S Izon, Lorraine Antonette A Bonifacio, Stephanie Lois E Prats, Ma. Jayanne C Mapugay
article en

Abstract

Nananatiling limitado ang sistematikong pag-aaral tungkol sa herbal medicine vendors sa modernong panahon bagaman nananahan na ang mahabang kasaysayan ng tradisyonal na panggagamot sa bansa. Sa Quiapo, madidinig ang taal na mga karanasan ng vendors na matagal nang bumubuhay sa herbal lane ng lugar. Upang maumpisahan ang pagbabalangkas sa mga natatanging karanasang ito, sumanding ang pag-aaral sa deskriptibong penomenolohiya, alinsunod sa Collaizzi’s Method at konseptong Quiapook, na kumikilala sa sistematikong pagpopook ng mga danas sa Quiapo. Gamit ang semi-structured interview sa limang piling vendors, sumuong sa proseso ng pagbaklas (bracketing), pagiging bukas (intuition), pagsusuri (investigate), at paglantad (descriptive) ang pag-aaral. Humantong ito sa isang tematikong mapa na nagbubuklod sa mga pangunahing temang kinakatawan ng: mga panlipunang puwersa na nagbibigay-saysay sa pagtitinda, mga pananaw na pumapanday sa karanasan, pakikipagdiskurso bilang diskarte sa pagtitinda, at pagmemerkado ng kagamutang herbal sa modernong panahon. Mula rito, tunay na may malalim nang kaugnayan ang mga karanasan ng vendors sa komunidad at identidad ng Quiapo bilang sentro ng herbal medicine. Makabuluhan ang kanilang papel sa pagpapalalim ng diskurso sa herbal at pagtitinda nito bilang kultural na industriya at kabuhayan sa naturang lugar. Ang pagpapalawak pa ng akademikong diskurso sa pagtitinda ng herbal medicine ay iminumungkahi sa pamamagitan ng paggamit ng iba pang metodo o pagtuon sa tiyak na salik, gaya ng relihiyon at pananampalataya, sa mga naisalaysay nang karanasan. Natagpuan din ang sumusulong na diskurso ng Quiapook na nagpapatunay na may masaganang batis ng karanasan ng iba’t ibang pangkat ng indibidwal sa Quiapo, at bukas itong madadalumat ng mga susunod pang pag-aaral.

Sinaya A Philippine Journal for Senior High School Teachers and StudentsVol. 4(3)
De La Salle University (PH)
Openalex Percentile: Top 5%
Philippine History and Culture
AI Navigator

Ask Laika to Summarize, Analyze, and Connect papers live on the map.

Summarize Papers & Methodologies

Extract key findings, datasets, and comparative methods across publications.

Benchmark Rankings & Visual Analytics

Rank top research institutions, authors, funders, topics, and journals by Field-Weighted Citation Impact (FWCI) and paper volume with instant charts.

Connect Distant Disciplines

Bridge topological clusters on the map to find hidden collaborative intersections.