Titi bilang bahagi ng Katawan: Somatikong Pagbasa sa Akdang Pambata

Kritikal na sinuri ng rebyung ito ang akdang pambata nina Genaro Gojo Cruz at Beth Parrocha na pinamagatang “Ako ay May Titi.” Sa mahabang panahon, matagal na siniil ang malayang talastasang ukol sa genitalia (titi at puki) gayong isa ito marahil sa mga bahagi ng katawang tao na tinukoy ni Bryan Turner (1992) na nangangailangan ng somatikong pagbasa sa kultural at politikal na katangian ng katawan. Higit pa sa anatomikong pagtingin, ang titi ay hindi lamang simpleng “segregasyon” ng kasarian at seksuwalidad ng tao, ngunit ito rin ay isa sa mga unang bahagi ng katawang natututuhan ng isang bata. Binuksan ng akda nina Gojo Cruz at Parrocha ang maagang pagpupunla sa kamalayan ng kabataan upang kilalanin ang wastong tawag at pagpapakahulugan sa titi. Nakatutulong ito upang maikintal sa bawat batang Pilipino ang halaga ng katawan at upang maiwasan ang pang-aabusong seksuwal, nakahahawang sakit, at higit lalo, ang interpretasyon sa titi bilang bastos na salita. Isinentro ng rebyung ito ang pagtindig ng akda nina Gojo Cruz at Parrocha na maipasok sa akdang pambata ang bahagi ng katawan na di-gasinong tinatalakay sa loob ng paaralan at tahanan. Sa kabila ng mga kanonikal na pamantayan sa panitikan, naging matagumpay ang nasabing akda upang bigyang tinig ang katawan ng bata at ang pananaw ng bata ukol sa katawan.

Authors

Publication Details

Journal
Dalumat
Published
2025-12-30
DOI
https://doi.org/10.59588/2094-4187.1030
Primary Topic
Swearing, Euphemism, Multilingualism
Type
article
Field-Weighted Citation Impact
0.00
Controls
|||
ALL TIME
JAN
FEB
MAR
APR
MAY
JUN
JUL
AUG
SEP
OCT
article

Titi bilang bahagi ng Katawan: Somatikong Pagbasa sa Akdang Pambata

Axle Christien Tugano
Dalumat
Swearing, Euphemism, Multilingualism
article

Titi bilang bahagi ng Katawan: Somatikong Pagbasa sa Akdang Pambata

Axle Christien Tugano
article en

Abstract

Kritikal na sinuri ng rebyung ito ang akdang pambata nina Genaro Gojo Cruz at Beth Parrocha na pinamagatang “Ako ay May Titi.” Sa mahabang panahon, matagal na siniil ang malayang talastasang ukol sa genitalia (titi at puki) gayong isa ito marahil sa mga bahagi ng katawang tao na tinukoy ni Bryan Turner (1992) na nangangailangan ng somatikong pagbasa sa kultural at politikal na katangian ng katawan. Higit pa sa anatomikong pagtingin, ang titi ay hindi lamang simpleng “segregasyon” ng kasarian at seksuwalidad ng tao, ngunit ito rin ay isa sa mga unang bahagi ng katawang natututuhan ng isang bata. Binuksan ng akda nina Gojo Cruz at Parrocha ang maagang pagpupunla sa kamalayan ng kabataan upang kilalanin ang wastong tawag at pagpapakahulugan sa titi. Nakatutulong ito upang maikintal sa bawat batang Pilipino ang halaga ng katawan at upang maiwasan ang pang-aabusong seksuwal, nakahahawang sakit, at higit lalo, ang interpretasyon sa titi bilang bastos na salita. Isinentro ng rebyung ito ang pagtindig ng akda nina Gojo Cruz at Parrocha na maipasok sa akdang pambata ang bahagi ng katawan na di-gasinong tinatalakay sa loob ng paaralan at tahanan. Sa kabila ng mga kanonikal na pamantayan sa panitikan, naging matagumpay ang nasabing akda upang bigyang tinig ang katawan ng bata at ang pananaw ng bata ukol sa katawan.

DalumatVol. 11(1)
Reduced inequalities
Openalex Percentile: Top 17%
Swearing, Euphemism, Multilingualism
AI Navigator

Ask Laika to Summarize, Analyze, and Connect papers live on the map.

Summarize Papers & Methodologies

Extract key findings, datasets, and comparative methods across publications.

Benchmark Rankings & Visual Analytics

Rank top research institutions, authors, funders, topics, and journals by Field-Weighted Citation Impact (FWCI) and paper volume with instant charts.

Connect Distant Disciplines

Bridge topological clusters on the map to find hidden collaborative intersections.

Titi bilang bahagi ng Katawan: Somatikong Pagbasa sa Akdang Pambata — Axle Christien Tugano · Dalumat (2025) | TGRS Research Map | TGRS